Nagulat ako na 'di alam ni Gen na may hiking... So I tried to come up with a tentative itinerary for our weekend trip to Galera. Suggestions are welcome... Demz, help me out! :)
Friday night, February 24~
- Dapat magkakasama na tayong lahat. Pwedeng magsunduan kasi may mga bitbit di ba? O basta, to follow na details nito... Mukhang OK naman yata kina Jayr na mag-stay e. (Ang mag-object panget.)
Saturday, February 25~
- We leave around 2am. Kailangan makarating tayo sa Alabang junction ng maaga. Sakay tayo either bus or rent ng van going to Batangas City Pier.
- 6am (or earlier): Nasa Pier na tayo. Bili tickets for the 1st ferry going to White Beach.
- 7am: Ferry to White Beach.
- Before lunch: Andun na tayo. Check-in sa hotel/inn. Mendelluke Suites na tayo di ba? Masaya yun sa gabi, kwentuhan galore, heehee... Basta girls ang may preferential right sa shower ha. :P
- We have the whole afternoon to do whatever. I proposed snorkeling. Konting swim-swim (tampisaw for me and Demz). We can also explore the place.
- Kelangan nating makita yung sunset...
- Saturday night: Kung may rave parties, ayus! Kung wala, we'll hold the party ourselves! :) Inuman di ba?
- Ano, matutulog ba tayo? :D
Sunday, February 26~
- Sunday morning, I proposed a hike to Tamaraw Falls. Hindi kasi kumpleto ang 1st time visit sa Galera kapag 'di mo sinunod ang mantra nilang ito: "Hike, Climb and Dive". And it's worth it naman, promise. :)
- After lunch, shopping galore!
- 3pm: paalis na yung ferry pabalik ng Batangas City Pier. We should be back in Alabang by 6 or 7pm.
So.. yun muna. Just a general idea of what to expect on our trip. Further suggestions, please, suggest lang! Demz, tulong ha... :)
Later, gators. (Di ko naman masyado favorite 'to noh. heehee.)
~Monique~
0 comments:
Post a Comment