Friday, February 10, 2006

OPLAN GALERA: Travel Checklist

This might be of help to you in packing your bags and in shopping for your needs na rin. anyway, kung may nakalimutan ako, sabihin nyo lang.
  1. Shorts. at least 2 - 3 pairs (or pieces?). bahala na kayo sa grammar. basta in my case, i'll bring 3 para sure.
  2. Tank tops. at least 2 pieces.
  3. T-shirt and/or sleeveless and kung ano man yung gagamitin nyong pampatong sa swimsuit, kung yun ang plan nyo. para sa girls lang yung last part ha.
  4. Bathing suit for the girls and swimming trunks or swimming shorts for the boys. pwede na isa pero pwede rin dalawa.
  5. Jacket. magagamit sa byahe at sa beach at night kung malamig.
  6. Underwear. bahala na kayo kung ilang pairs ang dadalhin nyo.
  7. Pajamas. optional na ito sa inyo.
  8. Towel. in my case, i'll bring one big and 2 small ones.
  9. Flip flops para sa beach. Hiking/rubber shoes para sa hiking sa Tamaraw falls kung mag-hhike kayo. pero sabi ni Monique, pwede na daw kahit naka-tsinelas lang.
  10. Shades/Sunglasses. protection ng ating mga mata against the sun.
  11. Clothes na pang-uwi nyo.
  12. Sunblock lotion. Coppertone, Nivea, Hawaiian Tropic or kung ano mang brand ang preferred nyo. ok na yung SPF20 pero mas maganda kung mas mataas like yung kay Monique, SPF50. kung di nyo alam, pag di kayo naglagay ng sunblock, especially at our age, my tendency na magkaroon ng dark spots yung skin natin and/or wrinkles yung mukha natin. in other words, maagang tatanda. gusto nyo ba yun? taray. :p
  13. Lip balm para sa lips. preferably yung may sunblock. syempre kailangan din ng lips natin ng protection from the sun.
  14. Sunblock para sa face like Godiva, Eskinol, Pond's or kung ano mang brand ang ginagamit nyo. or unless yung sunblock lotion nyo eh pwede rin sa mukha. for the same purpose dun sa sinabi ko kanina. kaya girls, naku dont leave the house ng hindi naglalagay ng sunblock.
  15. Sun spray kung maarte talaga kayo. Nivea, Shiseido bahala kayo.
  16. Moisturizer. ilalagay nyo yan sa mukha nyo para hindi ma-dry. nilalagay yan sa umaga before maglagay ng sunblock. pero kung my moisturizer na yung sunblock nyo, pwede na yun. tama ba pinagsasabi ko? and then nilalagay din yan sa gabi bago matulog, kung yun ang routine nyo.
  17. TOILETRY KIT - which may contain toothbrush, toothpaste, shampoo, conditioner, soap, face/lose powder, cologne, alcohol/hand sanitizer, tissue, wet tissue, feminine wash, facial wash, cotton buds, baby oil, body lotion, insect repellant lotion (kung trip nyo magdala), deodorant, adhesive bandages/band-aid (just in case), make-up kung feel nyo. yung iba dyan my nabibili na nasa sachet. mas convenient kung yun dadalhin nyo for obvious reasons. ;)
  18. Hat/Cap/Sunvisor/Bandana.
  19. Sarong.
  20. ZIPLOC. dun ilalagay ang mga gamit para di mabasa. kung wala talaga kayo nun, pwede na ordinaryong plastic bag. hehehe.
  21. Camera. kung meron kayo. sayang ang sunset at ang sunrise kung di macapture sa camera. at syempre sa mga ganitong bakasyon, di dapat mawala ang KODAKAN. pang-friendster ba. lalo na sa mga first time. oops! pasok ako dun.
  22. Accessories like earrings, bracelet, anklet and necklace. kung type nyo magdala.
  23. MONEY. for the accomodation (tayo pa ba magbabayad?), food, transpo, pang-contribute sa pambili ng alak, at syempre ang pinaka-importante sa lahat at ang pinakafavorite ni Janice - pangSHOPPING.
  24. MEDICATION - kay Monique, yung para sa hika nya. Eye drops or Contact lens cleaner para kina Monique, Ja at sa kung sino pa ang naka-contact lens. Bonamine para sa nahihilo. Lomotil/Diatabs/Imodium para sa sakitin ang tiyan. Paracetamol para sa may lagnat, kung meron man. Petroleum Jelly kung nappredict nyo na ma-ssun burn kayo or any medicine for that matter.
  25. Pillow/s. kung gusto nyo lang naman at kung di kayo nakakatulog ng di kasama yung favorite pillow nyo or kung hindi kayo sanay matulog sa ibang lugar at namimiss nyo agad kama nyo and you need something that would make you feel like you're sleeping at your own bed.
  26. at higit sa lahat..... Cup noodles ( at least 1-2 for each, depende kung anong trip nyo), Instant coffee mix para no need to buy sugar, Chocolate drink sa mga hindi nagkakape, Styrofoam cups, Plastic spoons and forks, at JUNK FOODS!!!!
May nakalimutan pa ba ako?

dEmz

0 comments: