Thursday, February 16, 2006

OPLAN GALERA: Where to Stay?

►I talked to Monique and Ja the other day and we talked about our plans the first minute we step into the sands of Puerto Galera. we're planning of having a picnic at the beach. syempre pag may picnic, may ihaw-ihaw. hmmm. ano kaya masarap ihawin? malaking fish preferably tilapia, and then squid... gusto ko rin ng crab at prawns... tapos yung clam na sinigang, yung parang napanood ko kahapon... tapos fruits... yummy. im sure naman sina Gen at Jigs na bahala dun. wala ng dapat pang pagtalunan. kahit kami na mamili ng iluluto basta kayo ang magluluto. harharhar. patak-patak na lang kahit tig-100 bucks each. basta isa lang yun sa mga plans namin. yung iba di na namin irereveal. :p

►May nakita nga pala akong pic ng cottage sa Puerto Galera. sabi ni Monique, ganito daw yung tipo ng mga cottages dun. im posting it para magka-idea kayo. this particular cottage has no aircon ha. and it has 2 beds daw.

►Napag-usapan din namin na hindi na muna natin icconfirm yung reservation sa Mendelluke. pagdating na lang dun para makapag-hanap pa muna tayo ng cottage. nakaka-engganyo kasi tignan. my veranda saka may privacy tayo pag nag-iinuman na. yung tipong walang magagalit pag maingay tayo. ganda pa pang-picture taking at mukhang masarap mag-ihaw sa tapat nyan. palagay nyo? talagang mapilit ako no? sabi naman dun sa forum na nabasa ko pwede naman daw magluto dun. magrequest na lang tayo ng gamit sa may-ari kung meron. kung di naman natin magustuhan yung mga cottages, like maliit yung mga bed or di sila magbibigay ng extra bed or kung walang aircon, pwede pa rin natin iconfirm yung reservation sa Mendelluke. kung dun tayo mag-stay, pwede pa rin tayo makapag-ihaw kung yun ang gusto nyo, o ako lang may gusto? hehehe. meron naman daw narerentahan na ihawan sabi ni Monique.

►My nabasa din akong forum about where to stay in Puerto Galera. meron silang nirerecommend na resort, yung Tamaraw beach. it is just beside White Sand Beach Resort. white beach din yun pero mas finer daw ang sand, mas tahimik at mas may privacy. kasi nasa white beach daw yung mga parties at night. kaya kung matutulog kayo, di rin kayo makakatulog. and kung magiinom tayo, syempre mas maganda kung tayo-tayo lang. takaw away pa kung sakali. kung sakali lang naman. lam ko naman di tayo pala-away. pero ung ibang tao, syempre di natin masasabi especially kung may mga kasama kayong magagandang babae tulad (ehem) namin. :) anyway, batu-bato lang naman daw ang nagddivide sa kanila as in kapitbahay lang, so malapit pa rin tayo sa gimikan. meron pa sila sinasabi, yung Aninuan beach. maganda din daw dun. basta white beach lahat yun. yung pangalan lang ng resort ang magkakaiba. tama ba sinasabi ko? anyway, nasa sa inyo pa rin naman ang decision kung saan tayo magsstay. tignan na lang natin pagdating dun. im sure naman marami tayong choices kasi off peak pa. in my case, wala talaga akong solid idea about the place kaya di pa rin ako makapag-decide or makapagsabi kung saan maganda mag-stay.

►Hay naku excited na talaga ako. i-pack ko na kaya gamit ko?☼

dEmz

0 comments: